the ponstan episode…
3 07 2008
namimilipit ako…
sa sakit…
nang ngipin…
kahapon…
nang madaling araw..!
kaya naman..,
pagkalabas sa office..,
nang bandang alas kuwatro ng umaga..,
dumaan muna ako sa bayan…
at…
nag hanap nang bukas na botika..,
at…
bumili nang…
ponstan..!
dalawang ponstan na…
tag fa-five hundred milligrams..!
pagka abot sa akin nang…
“tindera” sa gamot na…
siyang tanging lunas sa aking…
iniindang karamdaman..,
biglang bumalik sa aking ala ala ang…
isang episode nang aking buhay…
kung saan…
bida ang..:
ponstan..!
kaya naman..,
aking pinamagatan ang post na ito nang..:
“the ponstan episode”..!
flashback mode tayo..!
1999 noon..!
ako ay isa pang guro..!
guro ako doon sa paaralang nasa likod nang…
kfc sa cubao..!
doon sa malapit sa alimall..!
isa pa akong guro noon..!
gurong kinamumuhian nang mga estudyante..!
gurong iniiwasan nang aking mga mag aaral dahil sa aking kasungitan..!
gurong biglang sumakit ang ngipin..!
at…
gurong naka hanap nang lunas sa…
ponstan..!
papasok pa lang ako noon sa school…
nang biglang sumakit nang matindi ang aking ngipin..!
at dahil malapit naman ang bahay ko noon sa hilera nang botika sa…
tapat nang labor hospital..,
go ako agad sa drugstore at…
bumili nang…
ponstan..!
dalawang ponstan na…
tag fa-five hundred milligrams..!
pag dating nang bahay…
agad kong nilulon na mala bato ni darna ang isang kapsula..!
tapos ay naligo na ako…
at…
agad agad namang nag bihis pagkatapos..!
walang ilang saglit ay…
handa na akong pumasok nang paaralan..!
bago lumabas nang bahay..,
nabaling ang aking tingin sa…
lamesa..!
at doon..,
aking nakita ang…
isang kapsula nang…
ponstan..!
walang isip isip na…
kinuha ko ito at…
nilulon..!
nilulon na parang buto…
este bato pala…
ni ding..!
este ni darna pala..!
pagkatapos ay…
lumabas na ako nang bahay na may ngiti sa labi..!
wala sa aking isip na…
bago pala ako lumabas nang tahanan ay…
naka dalawang ponstan ako na…
tag fa-five hundred milligrams..!
mula sa bahay…
ako ay…
pumunta sa…
paradahan nang jeep na biyaheng cubao..!
doon lang iyon sa may roger’s pancitan…
sa may gilid naman nang…
emerald square garden..!
at dahil paradahan nga…
nag hantay muna ang jeep nang pasahero..!
at dahil oras nga nang pasok..,
natural lang na…
mga estudyante ang naging kaangkas ko..!
karamihan pa man din ay…
estudyante ko doon sa paaralang aking pinag ta-trabahunan…
dati..!
eto na..,
nag umandar ang jeep..,
bigla akong nakaramdam nang…
pang mamanhid..!
una..,
sa pisngi ko lamang…
then parang…
tubig siyang dumaloy hanggang sa buong katawan ko..!
dinedma ko lang ang aking naramdaman..!
pero…
medyo nag worry na ako..!
tumingin ako sa paligid ko..!
then..,
tinignan ko rin ang mga naangkas ko..!
aba..!
at may tila liwanag sila sa may ulo nila..!
naisip ko na…
naging santo at santa na yata lahat nang kasabay ko sa jeep..!
nang mag babayad na ako nang pamasahe..,
at i-aabot ko na sa driver ang aking pera..,
nakita ko ang mga kamay ko na…
humahaba..!
at parang slow motion ang lahat nang kilos ko..!
nalintikan na..!
napahamak na naman ako nang…
sakit kong kalimot..!
doon ko lang nawari na…
na over dose ako nang…
ponstan..!
imagine..?
sa mga oras na iyon ay…
1000 milligrams nang ponstan ang…
dumadaloy sa…
berde kong dugo..!
nag panic ako bigla..!
pa simple kong kinukurot ang sarili ko..!
wala akong maramdaman..!
manhid ang katawan ko..!
ilang saglit pa ay…
nasa may alimall na ako..!
kailangan nang bumaba..!
pinauna ko ang mga bagets..!
huli na akong bumaba..!
pag apak ko nang paa ko…
pakiramdam ko ay…
umaapak ako sa…
ulap..!
ang lambot nang pakiramdam..!
at…
para akong tutumba..!
hindi ko kinaya..!
tinawag ko yung ilang estudyante sa harap ko..!
bigla silang nag tatakbo at…
naringgan ko pa na nag sabi na..:
“hindi po sir! hindi po kami mag ka-cutting class! papasok na po kami”..!
sabay karipas nang takbo palayo..!
diyos ko..!
noong panahon na iyon ay wala akong pakialam kung…
may ka-cutting class sila..!
kailangan ko nang aalalay sa akin..!
at ako ay…
high…
sa…
ponstan..!
buti nalang at…
may nakita akong dalawang bata na papasok na rin..!
tinawag ko at…
sinabihan kong…
alalayan ako hanggan clinic..!
na agad naman nilang ginawa..!
pero..,
dahil…
puro liwanag nga lang ang aking nakikita kapag ako ay…
tumitingin sa mukha..,
hindi ko na nakilala yung dalawang batang nag dala sa aking sa clinic namin..!
pag pasok nang clinic..,
tinanong ako ni ate millet..,
yung school nurse..,
kung ano ang problema..,
akin namang nilahad ang aking…
kuwento..!
naringgan ko na lamang siya na…
papigil na napatawa..!
hindi ko na namalayan ang ilan pang nangyari..,
kasi…
pansamantala akong…
bumiyahe sa ulap..!
nang mag balik ako sa aking ulirat..,
nilahad ko ulit ang aking kuwento doon sa mga teachers na…
nasa tabi ko…
nang ako ay…
“magising”..!
natawa na lang kami pare pareho..!
kaya ang lesson sa akin simula noon…
ay..:
“maniguradong tama ang bilang nang aking nilalaklak na gamot”..!
hay naku..!
anyway..,
itong kuwentong ito ay…
nag fa-flashback sa akin…
habang ako ay bumabiyahe na pauwi kahapon nang umaga..!
after ko bumili nang ponstan..!
na tag fa-five hundred milligrams..!
at dahil sa flashback na yun..,
sinugurado kong…
hindi na ako ma-o-overdose ulit..!
pinag hiwalay ko na kaagad yung dalawang gamot..!
ang isa inilagay ko na sa pouch nang aking cellphone..,
at yung isa naman ay…
hinawakan ko na..!
pag uwi nang bahay..,
nilaklak ko yung isa..!
then after ko mag lunch ay…
saka ko naman tinake yung isa pa..!
wala nang sablay..!
hindi na ako dumoble..!
ang tanging dumoble lang ay…
ay pamasahe ko sa jeep noong umagang ako ay nag fa-flashback..!
kaya pala naman…
noong nag bayad ako “ulit”…
walang tanong tanong na…
sinuklian ako agad ni manong driver at…
miski hindi pa ako pumapara ay…
inihinto na ako kaagad sa lamuan..!
lintek na driver na yun..!
pinag samantalahan ang…
pag fa-flashback ko..!
pasalamat siya at…
noong…
mga…
oras…
na…
iyon…
ay…
hindi…
ako…
lango…
sa…
ponstan..! ![]()
-BOMBERO KING®
Comments : 1 Comment »
Tags : bombero king, comedy, episode, medicine, overdose, school, students
Categories : mga kabanata ng aking pusong natuto
three

well
supposedly
believe
no
super
i’ve



"It is better to be hated for who you are, rather than be loved for someone who you're not."







Ang sumasabog na hirit nang mga Bombero at Bombera